Isang Pangkulturang Eksposisyon ang pinangunahan ng Sangay ng Pangasiwaan ng Kurikulum at Pagkatuto bilang pampinid na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Buwan ng Kasaysayan, Buwan ng ASEAN, at Pambansang Araw ng mga Katutubo. Isinagawa ang programa sa National Educators Academy of the Philippines Region 1 (NEAP-R1) na nilahukan ng iba’t-ibang sangay sa pangrehiyong opisina, noong ika-28 ng Agosto 2025.
Kabilang sa patimpalak na isinagawa ay ang Pagsulat ng Tula, Rampahang ASEAN, Picto-Art, Sayaw, at Kuwentong Bayani Y3.
Layunin ng aktibidad na kilalanin, pahalagahan, at ipagdiwang ang makulay na kultura’t kasaysayan, wika, at pagkakakilanlan ng ating bansa at mga kalapit na bansa sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya.
Mga kuha nina: Jovanie Montes at Kristian Rullamas (PAU)
